Sadya nga bang nagtatapos na lamang ang lahat ng pagpapatunay ng pagmamahal o pagiging seryoso ng isang lalaki sa babae kapag naisakatuparan na nila ang kanilang pag-iisang dibdib? “Pinakasalan na kita! Ano pa ba ang gusto mo?” “Dala-dala mo na ang apelyidog ko, kung kaya’t makuntento ka na roon!” “Ano pa bang hinahanap mo na kulang? Ayan at nakatali na ako sa iyo! Nagsisintir ka pa riyan; pasalamat ka at pinakasalan na kita!” Ilan lamang iyan sa mga bukambibig ng magagaling nating mga asawa! Ilan sa mga simpleng kuwento ko na lamang na ilalahad ay kung saan inihayag
ng mga Misis na hindi naging matagumpay ang buhay may-
asawa. Si Helena na mahigit sampung taon nang kasal sa kanyang asawa ay animo’y binalot na ng semento ang puso sa pagiging bato o manhid sa bawat kalapastangan na sinapit sa asawa. Pang-anim na beses nang nagkaroon ng kalantari at kinakasamang babae ang asawang nagbabarko at ilan na ang naging anak nito sa mga iyon. Katuwiran ng asawa ay buong-buo raw ang allotment na napupunta sa kanya at sa kanilang dalawang anak kaya makuntento na siya. “Makuntento ka na at ikaw ang legal na asawa ko, sa iyo pa rin direktang nakapangalan
ang allotment ko at ikaw ang pangunahing beneficiary ko sa
mga insurances ko!” pagmamalaking saad pa ng kanyang asawa. “Hindi ko kailangan ang mga pera mo. Respeto at nag- iisang ako lamang sana sa buhay mo ang hinihiling ko!” pagmamakaawa ni Helena. “Hindi ko iyon magagawa, kusang lumalapit ang mga babae sa akin! Tao lamang ako na madalas nangungulila dahil malayo ako parati sa iyo dahil sa trabaho ko!” pangangatwiran ng kanyang asawa. Hindi niya maiwan ang asawa sapagka’t alam niyang hindi niya mabibigyan ng maalwan na buhay ang mga anak at hindi siya nakasisigurong maisasama niya ang anak sa kanyang binabalak na pag- iwan sa asawa. Nilulunok na lamang ang mga kahihiyan, pinipigil ang mga luhang kusang dumadalislis sa kanyang nagsisimula nang mangulubot na pisngi na dala ng konsumisyon. Sumunod na dumanas ng kalbaryo ay si Jasmine. Sa loob ng labinlimang taon na pagtitiyaga at pagtitiis sa asawa ay napagtagumpayan niyang makipaghiwalay na ng
tatlong taon kasama ang tatlong anak. Sa unang apat na taon ng kanilang pagsasama, ang asawa ay hindi kahit kailan nagkaroon ng sariling hanapbuhay. Si Jasmine naman ay sunod-sunod na taon na nabuntis at sa huling anak ay nagdesisyon ang kanyang biyenan na siyang bumubuhay sa kanila na ipatali na siya upang hindi na mabuntis pa. Lahat ng kanilang gastusin, maliit man hanggang sa malaking halaga ay nagmumula sa bulsa ng kanyang mga biyenan kung kaya’t kahit mahirap ang pakikisama, lahat ay sinusunod na lamang niya para walang gulo. Ang asawa ay pinalaking laging nakakabit sa saya ng kanyang ina at pinalaking laki sa layaw, barkada, inom, droga at babae. Lahat ay hinahayaan lamang ng kunsitidorang biyenan. Patuloy sa mga ganoon na gawain ang asawa at laging sinasaway ni Jasmine. “Tumigil ka, Jasmine! Hindi porke’t kasal tayo ay puwede mo na akong bawalan! Ang nanay ko nga mismo hinahayaan at balewala lamang sa kanya! Kaya ikaw huwag kang pakialamera!” pasigaw pang sagot ng asawa niya. Sumubok magtrabaho ni Jasmine at tinutulan iyon ng biyenan, ngunit walang nagawa kaya naman lagi na siyang pinag-iinitan nito. Kaunting pagkaantala sa pag- uwi ay susulsulan ang anak nito na baka may lalaki, kaya naman ganun na lamang ang ginagawang pananampal o pananakit ng asawa sa kanya upang siya ay umamin, nguni’t siya ay tanging trabaho lamang lahat ng oras. Ilang beses niyang naabutan ang asawa na harap-harapan na may mauulinigan na katawagan na babae at magkikita kung saan upang magparaos. Kaya naging wais si Jasmine, lahat ng sobrang kinikita ay itinatabi. At pinagpaplanuhan ang pag-alis balang araw kung
makaipon na ng malaki-laki. Labinlimang taon na lahat ay sa poder ng asawa ang mga mahahalagang gastusin, ngunit minsan ay pinag-iinitan ang kanyang kinikita ng asawa upang maipandroga, ngunit sinasabi ni Jasmine na kaya siya nagtatrabaho ay para sa mga pangangailangan ng sariling magulang sapagka’t nag-iisang anak lamang. “Magtrabaho ka naman, Aaron! Hindi ka ba nahihiya sa Mama mo? Mas maganda iyong may mapupundar tayong sarili natin at bubukod tayo!” minsan kong pagpupursigeng payo sa asawa ko upang maging Padre
De Pamilya. “Kung ikaw gusto mo, umalis ka na rito at iwanan mo mga bata, satsat ka nang satsat; akala mo naman ay napakalaki ng kinikita mo! Huwag mo akong pinakikialamanan at masuwerte ka pa rin, dahil pinakasalan kita at may maalwan kayong buhay mag- iina dahil sa magulang ko! Letse! Buwisit ka talaga! Sinisira mo araw ko, mamaya baka matalo ako sa sugalan!” bulyaw at sabay bato ng mahawakan na gamit sa akin. Kaya sa wakas, nang nakapag-ipon ng sapat ay kumawala na ako sa poder ng mga biyenan at malalaki na rin ang mga anak na mismong sila ay hindi na sang-ayon sa pananatili ng kanilang ina sa poder ng ama. Madalas ay malupit din ang ginagawang pagpaparusa ng asawang si Aaron sa mga anak sa simpleng pagkakamali
ng mga ito . Sa susunod na kuwento naman, ang kalbaryo ni Claire sa asawang si Jonathan. Si Claire at Jonathan ay anim na taon nang kasal, may isang anak at parehas na may trabaho. Mabilis ang naging daloy ng pangyayari sa kanila. Nagkakilala sa isang business conference, nagkita nang ilang beses at sumunod ay itinakda ang kasal. Parehas nang may edad, ang lalaki ay tatlumpu’t walo at ang babae ay tatlumpu’t lima. Si Jonathan ay may dalawang anak sa pagkabinata at nasa pangangalaga ng sariling ina. Nagkaroon ng kinakasama noong kasisimula pa lamang magtrabaho pagkatapos ng pagtatapos sa kolehiyo. Ngunit hindi nagtagal ang relasyon, tatlong taon lamang ang itinagal, pagkapanganak sa ikalawang anak ay iniwan na lamang si Jonathan pati ang
mga bata at labintatlong taon nang hindi nagparamdam. Nagkikita na lamang sina Claire at Jonathan kapag matutulog na sa sobrang pagsubsob ng lalaki sa kanyang trabaho. Makalipas lamang ng ilang buwan na matapos ang kanilang pulo’t gata ay umaakto lamang si Jonathan na siyang tagapag-bigay ng mga pangangailangan sa lahat ng bagay. Oo, walang mairereklamo si Claire sapagka’t lahat ng pinansiyal na pangangailangan ay nasosolusyunan. Magarbong tahanan, mamahaling mga kasangkapan at kagamitan. Iba’t ibang luho ay kayang ibigay sa kanya. Hindi rin babaero o mabisyo ang asawa, wala nang hihilingin pa! Hindi niya halos kilala ang asawa, lagi itong may mga business trips. Kung sa mga okasyon ay nandiyan nga, nguni’t hindi sila nagkakasarilinang madalas. Ngunit hindi mawari ni Claire kung ano pa ang kanyang hinahanap. Hindi niya maramdaman ang kasiyahan kahit sa maalwan na sitwasyon ng buhay na mayroon siya. Mula sa tatlong sitwasyon ng ating mga Misis, iba’t ibang sinapit mula sa mga lalaking sumumpa ng dalisay na pagmamahal sa kanilang mga asawa. Nguni’t sapat lamang ba na kaming babae ay tratuhin na lamang nang ganun? Kailangan namin higit sa lahat ang atensiyon ng aming mga kabiyak, maayos na pakikipagkomunikasyon at laging kakuwentuhan o napaghihingahan ng mga sama ng loob o nakababahagi sa mga masasayang pangyayari. Kailangan naming mga Misis, hindi lamang noong panahon ng panliligaw o unang taon ng pagsasama, ang pag-aaruga, pagbibigay panahon na mapakinggan sa mga nais o plano sa buhay. Lalong-lalo na pagbibigay importansya sa bawat emosyon na mayroon kami. Kinakailangan namin ang lubos na seguridad mula sa mga bisig ng Padre de Pamilya na kami ay mapangalagaan at hindi iyong gawing praktisan ng mga kamao kung mapagbubuntunan ng initng ulo. Kinakailangan namin ng katiyakan sa pagkakaroon ng matiwasay, maalwan na buhay at matagal na pagsasama. Kaming mga babae, kung maaalayan lamang ng dalisay na pagmamahal, mataas na respeto at pagpapahalaga ay kaya naming tumbasan nang triple-triple ang mga tinatanggap. Sadyang mahirap ang buhay may-asawa, nandiyan na lahat
ng dadanasin na pasakit o pagsubok, nguni’t kung ang parehas na magkabiyak ang mahigpit na kumakapit sa isa’t isa nang may iisang adhikain, walang bagay na hindi pagkakasunduan. Kung mamumuhay sila na nasa sentro ng kanilang pag- iibigan ang Diyos, lagi silang nasa maayos na landas tungo sa mapayapang buhay mag- asawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento