Powered By Blogger

Martes, Hulyo 30, 2013

Bakit takot pumasok sa isang relasyon?

Bakit natatakot pumasok sa isang relasyon? 


*. Ayokong masaktan. -arrow- Eto ang karaniwang excuse ng mga tao. Ang ayaw masaktan. Syempre, sa pagmamahal, lahat DAPAT makaranas ng sakit. Hindi mo pwedeng sabihin na pag di ka magmamahal, di ka masasaktan. Lahat ng bagay, may kapalit na sakit. Lahat ng bagay, gagawa ng paraan para masaktan lang. Di lang naman sa pagmamahal nasasaktan ang isang tao eh. Marami pang dahilan para masaktan ka. Hindi lamang sa pagmamahal. 


Di pa ako handa. -arrow- Di ka pa handa makaranas ng sakit. Di ka pa handa sa mga mangyayari pagpasok mo sa isang relasyon.Hindi ka pa handang pagkatiwalaan ang taong mamahalin mo. Hindi ka pa handang gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga karelasyon. O, Hindi ka pa handa magmahal. 


*. Ayaw ng parents ko. -arrow- Ayaw ng parents mong masaktan ka sa edad mo. Ayaw ng parents mong padaanan mo ang mapait na sakit na napagdaanan rin nila. Ayaw nilang may mangyaring masama sayo. Ayaw nilang mawalay ka ng maaga sa piling nila. 



*. Aatupagin ko muna ang pag-aaral ko. -arrow- Gusto mo munang mag-aral. Gusto mong maging successful ang pamilya mo bago ka pumasok sa isang seryosong desisyon. Gusto mo munang magkaroon ng knowledge sa mga bagay. Gusto mo munang ideboto sarili mo sa pag-aaral. Para sayo ang pagkakaroon lamang ng M.U ay sapat na para maramdaman mong may nagmamahal sayo. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento