Powered By Blogger

Huwebes, Hulyo 25, 2013

BARANGAY BULOK

Mga Uri Nang Tao Sa Isang Barangay

aaminin ko ibat iba ang klase ng tao sa isang pamayanan. syempre mahirap intindihin kung hindi papaliwanag hindi po ba ? 


Simulan ko na ang kwentong maiksi na ito

nakatira ako sa isang inakala kong magandang bayan hindi ko na babanggitin ito kung saan ..

Nung una akala ko ay ok itong lugar na napuntahan namin ng pamilya ko 
syempre masaya ang nanay at tatay ko dahil presko daw itong lugar na ito
pero nung katagalan ang inakala kong paraiso parang naging isang kulungan ng masasamang tao..

Sa umaga pag gising ko habang nag lalakad ako nung nag aaral ako
napapansin ko bakit hindi sila natutulog ?
SUGAL . MARIWANA . at iba pang masamang gawa
ang pinaka nakakatawa pa ay umagang umaga chismisan na ..
hindi ko po sinasabi na perpekto ako pero ang pinakamasama kasi
mas inuuna pa nila ang kanilang mga bisyo
kesa sa pamumuhay nila ..

Isang araw may kasama akong mga barkada
nakita ito ng mga dakilang chismosa sa amin
at napansin pala nila na katabi ko ang isang babaeng barkada ko
una habang dumadaan kami wala sila sinasabi
ngunit ang ikinagulat ko nung umalis na mga barkada ako
ang naging balita at nag asawa na daw ako
NAKAKATAWA diba ?
sabi nga nila malakas ang radar ng mga chismosa

Habang tumatagal lalong lumalala ang mga napapansin ko
eto yung tinatawag na may party tapos may nag aaway
magkatinginan lang mag susuntukan na
mabago lang pakikitungo mo sa kanila sasabihin mayabang ka na
at pag dating sa barkda kung meron ka lang saka ka nila kilala
hindi ko lubos maisip kung bakit ang isang brgy na ito ay parang puno ng gulo .

nung dumating ang eleksyon nandyan yung kahit hindi ka hihingi ng suhol
bibigyan ka . pag wala kang pinanigan mag tatampo pa
at ang pinaka malala hindi na umiiral dito ung salitang 
respeto sa kapwa ..

Noong malapit na ang kapaskuhan
Kasama ko ang aking kapatid na mamalengke 
ng makita namin ang dalawang lalake na nakamotor
pumara sila ng isang pampasaherong jeep
nagulat kami nung may isang biglang 
bumabang lalake bigla nilang binaril ito sa ulo
nung oras na iyon natakot ako
akala ko kasi katapusan na namin
yung dalawang bumaril ay dun dumaan sa mismong harapan namin .
pareho kaming takot ng kapatid ko .

marami na din akong napansin dito sa lugar namin na ito
idadagdag ko pa yung may mga asawa na kumakabit pa sda iba.
inaangkin ang lupang hindi kanila .
mga mayayabang na wala namang pinag aralan
ang hirap hindi po ba ?

Ang pinaka mahirap kong napansin talaga ay
kung sino pa ang mas madalas na maglingkod simbahan ay sila pa itong palamura at walang disiplina..  


Example na ito ng isang pamayanan sa ating bansa na salat sa isang pangangaral
at isang kaalamang tama at kaugalian ....

alam kong madaming maasar sa blog ko na ito
pero sinabi ko lang naman ang mga napansin ko
sa loob ng 7 taon na pamamalagi ko dito
alam kong alam nyo na may mga ganito din sa barangay ninyo
pwede kayo mag FEEDBACK kung anu ang isang kwento sa tungkol sa inyong
barangay . Maraming salamat sa nagbasa
BINUOD ko na ito para isang bagsakan na lang :)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento