KWENTONG MAY SAYA AT MAY LUNGKOT
IBABAHAGI KO PO SA INYO ..
Biyernes, Hulyo 26, 2013
ang sarap ng feeling pag mahal ka din ng mahal mo
Bakit kaya kapag sa relationship, e, kapag nagsimula, parang gusto n’yo na umabot sa pag-aasawa? ‘Di ba? Parang kayo na talaga forever. Hindi n’yo man lang inisip kung magbre-break pa kayo o hindi. Pero hindi naman lahat ng nagmamahalan ganito, ‘di ba? Minsan nga, gusto lang nilang magkaroon ng kasintahan para may maipagmayabang . . . then break-up na after a few months. Yung iba naman, gustong magkaroon ng kasintahan dahil kulang daw sa inspirasyon. Ilan na lang yung mga magkasintahang talagang nagsumpaan na sa mga magulang. Parang sure na sila na sila talaga ang magkakatuluyan. Kapag sa relationship kasi, hindi importante ang mga ganyan-ganyan. Ang importante, mahal ninyo ang isa’t isa. At yun ang magpapatibay ng relasyon ninyong dalawa. Hindi ba’t ang sarap isipin na yung mahal mo, e, minamahal ka din? Hindi yung laro-laro lang? Yung as in, sweet talaga siya sa ‘yo, hindi ka na niya iiwan. “I love you” every day, parang end of the world na bukas. Girls: Have you ever felt na kapag nagkikita kayo ng boyfriend niyo parang sumasabog yung mga damdamin ninyo sa sobrang kilig? Pero hindi yung kalandian ha. Basta kapag nagkikita kayo, you always feel very happy or even say, “May nagmamahal pala sa akin ng ganito. At boyfriend ko yun.” Boys: Kapag magkaharap kayo ng girlfriend niyo, have you ever felt confident na yung girl sa harap niyo ay napasakamay niyo? Tapos tatanungin mo pa sarili mo, “Nangyayari ba ‘to?” Kasi kapag niligawan mo siya ng todo-todo, tapos sinagot ka na niya finally, hindi ba’t ang saya? Or even said to yourself, “Girlfriend ko ‘yan. Pinaghirapan ko ‘yan.” Wow. Parang first time ‘to mangyayari ha. That only shows na loyal talaga kayong dalawa sa isa’t isa. Pero huwag mag-alala yung mga brokenhearted, kasi darating din ang araw na mararamdaman mo din yung mga nararamdaman nila. Hindi lahat ng mga brokenhearted bigo sa pag-ibig, talagang darating at darating ‘yan. Kailangan mo nga lang hanapin (for the boys) at maghintay (for the girls). Kasi yan ang essense nun e. Namention ko pa nga kanina yung sinabi nung boy, “Girlfriend ko ‘yan. Pinaghirapan ko yan.” Kasi hindi madaling bitawan ang babaeng pinaghirapan. Imaginin mo nalang kung gaano kasakit ang mga nararamdaman nila after the break-up. At hindi madali yun, kaya dapat intindihin. Hindi binabalewala. Minsan talaga kapag sa love, ang daming problemang dumarating . . . And of course, minsan hindi na kinakaya. Most commonly promblem nila, sa pagkakaalam ko, yung may kathird party. Ay, ano bayan. Hindi ba sapat yung binibigay na pagmamahal ng kasintahan mo at nagthithird party ka? Hindi puwede yun. Kung lalake yan, ay naku, sakiiiiiiit! Kung babae, selos. Isa pa diyan yung hindi pagkakaunawaan. Kailangan lang diyan, unawain n’yo ang isa’t isa. That’s the key into a happy relationship. O ‘di ba? Basta magtutulungan kayong dalawa para maresolba ang inyong mga problema. Then you can live into your happy ending na! Just stay loyal and . . . Don’t let something take your relationship down!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento