Powered By Blogger

Martes, Hulyo 30, 2013

Bakit takot pumasok sa isang relasyon?

Bakit natatakot pumasok sa isang relasyon? 


*. Ayokong masaktan. -arrow- Eto ang karaniwang excuse ng mga tao. Ang ayaw masaktan. Syempre, sa pagmamahal, lahat DAPAT makaranas ng sakit. Hindi mo pwedeng sabihin na pag di ka magmamahal, di ka masasaktan. Lahat ng bagay, may kapalit na sakit. Lahat ng bagay, gagawa ng paraan para masaktan lang. Di lang naman sa pagmamahal nasasaktan ang isang tao eh. Marami pang dahilan para masaktan ka. Hindi lamang sa pagmamahal. 


Di pa ako handa. -arrow- Di ka pa handa makaranas ng sakit. Di ka pa handa sa mga mangyayari pagpasok mo sa isang relasyon.Hindi ka pa handang pagkatiwalaan ang taong mamahalin mo. Hindi ka pa handang gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga karelasyon. O, Hindi ka pa handa magmahal. 


*. Ayaw ng parents ko. -arrow- Ayaw ng parents mong masaktan ka sa edad mo. Ayaw ng parents mong padaanan mo ang mapait na sakit na napagdaanan rin nila. Ayaw nilang may mangyaring masama sayo. Ayaw nilang mawalay ka ng maaga sa piling nila. 



*. Aatupagin ko muna ang pag-aaral ko. -arrow- Gusto mo munang mag-aral. Gusto mong maging successful ang pamilya mo bago ka pumasok sa isang seryosong desisyon. Gusto mo munang magkaroon ng knowledge sa mga bagay. Gusto mo munang ideboto sarili mo sa pag-aaral. Para sayo ang pagkakaroon lamang ng M.U ay sapat na para maramdaman mong may nagmamahal sayo. 

10 Break-up Reasons

10 reasons kung bakit nagbreak.. -scene- 


*. Nagsawa. 

Lahat naman tayo nagsasawa lalo na kapag paulit ulit na lang yung nangyayari. Nakakasawa na kapag palagi na lang kayong nag-aaway, tapos puso mo na lang yung biglang bibigay at magsasabing, ¡°Ayoko na.¡± Hindi talaga natin masisisi yung tao kapag nagsawa na. Dahil oras na nagsawa na yan, wala na talagang pag-asa. 



*. Nanloko. 

Patok na patok to palagi. Nagbreak dahil nagloko yung isa. Yun bang inakit ng iba tapos nagpaakit naman talaga. Yun bang biglang liko yung puso. May dumating lang na isa, iniwan na yung isa. Grabe. Kapal ng mukha. -laughat-



*. Inagaw. 

Nasisira yung relasyon dahil may isang taong pilit sinisira ito. Syempre sa galing lumandi ng isa, pati relasyon niyo, bumigay na. Yun bang okay naman kayo, mahal mo siya, mahal ka niya tapos biglang may sisingit sa inyong dalawa. Pakshet. -rofl-



*. Napagod. 

Napagod na kakaeffort tapos di naman naaappreciate ng isa. Yun bang pinaglalaban mo na lang mag-isa yung relasyon niyo tapos siya, wala na. Pilit kang lumalaban na umaasa ka na magiging maayos pa. Pero sa huli, talo ka parin. Marerealize mo na lang sumuko ka na ng tuluyan.



*. Nagkalayo. 

Syempre communication ang importante sa relasyon. Lalo na kapag wala kayong tiwala sa isa¡¯t isa, hindi niyo talaga kakayanin ang long distance. Yun bang hindi mo na matiis yung hanggang text at tawag na lang kayo kaya bumigay ka. 




*. [/b]nagselos.[/b] 

Ang lakas rin naman ng kapangyarihan ng selos eh. Dito na magsisimula yung mag-iisip yung isa ng mga masasamang bagay kaya nauuwi sa hiwalayan dahil sa mga tamang hinala. Mga hinala na wala namang katotohanan. 


*. Hadlang ang magulang. 

Dahil mga bata pa kayo, hindi pumapayag ang magulang na magkaron ng relasyon sa murang edad. Yun bang mahal niyo naman yung isa¡¯t isa pero parang hadlang yung mundo sa inyo. Pati mga kaibigan mo, ayaw sa kanya. Wala kayong magawa dahil mga bata pa kayo at kailangan niyo munang sumunod sa nakakatanda. 



*. Maliit na bagay, pinapalaki. 

Ito yung badtrip eh. Yun bang nag-away lang kayo dahil sa napakaliit na dahilan tapos ang layo na ng narating ng pag-aaway niyo. Halos isumbat niyo na lahat sa isa¡¯t isa. Ito siguro mga relasyon na nasanay na kakaaway. Kaya ayun. 




*. Nainlove sa iba. 

Ito yung masakit kapag nilandi siya ng iba eh. O kaya naman napapalapit siya sa iba. Yun bang mas madalas sila mag-usap ng kaibigan niya kesa sayo. Kaya ayun, bumigay na. -pmpl-




*. Aral muna. 

Minsan kasi bumabagsak tayo dahil sa lovelife na yan. Syempre yung mag-aaral ka tapos tatawag siya. Syempre, di ka na nakapagreview dahil ilang oras kayo magkausap. Mas pinili mo siya kesa sa pag-aaral mo. At mahirap pagsabayin yung aral at lovelife. 



Bottomline: Kahit anong klaseng pagbe-break, MASAKiT. Minahal mo eh. -nicker- 

Paano tatagal ang isang relasyon?

--->> Isantabi ang EGO. 

Pride. Pride. Ego. Ego. Kalimutan muna yan. Walang mangyayare kung hahayaan mong kontrolin ka ng ego mo. Di talaga kayo tatagal kung nagmamatigas ka at tinitiis mo sya. At ang mahirap pa, kung nakikipagtaasan din sya ng ego sayo. Matutong magpakumbaba. Kung mahal mo talaga yan, kahit sya ang mali, ikaw na lang ang mauunang manuyo at maglambing para lang wag masira ang relasyon nyo. Ganun dapat. Hindi naman importante kung sino ang mali o tama. Ang mahalaga, nagpakumbaba ka para masalba ang relasyon nyong dalawa. 
Wag ugaliin ang pagiging TAMANG HiNALA. 


Pag tamang hinala ka sa taong mahal mo, ibig sabihin wala kang tiwala sa kanya. Kasi kung may tiwala ka sa kanya at alam mo namang ikaw lang talaga ang mahal nya, bakit mo kelangan maging tamang hinala? Eto ang kalimitang nagiging rason ng pagkasira ng mga relasyon. Matutong magtiwala. Hindi lahat ng akala, tama. May mga bagay na kelangang makita muna mismo ng dalawa mong mata, bago mo sabihin ang mga bagay bagay. Hindi sapat ang kutob para mag duda. Mabuti ng may sapat na ebidensya, may sapat nakaalaman, bago mambintang. Mahirap na, mamaya hindi talaga totoong may iba na syang mahal.Magsisisi ka talaga nyan sa huli. Sobra. 

--->> Wag sumuko kaagad. 



Kahit paghiwalayin man kayo, kahit ilayo man kayo sa isa¡¯t isa, okung tutol man ang mga tao sa pagmamahalan nyo, wag na wag kang susuko. Wag na wag mong susukuan ang taong mahal mo. Pagsubok lang yan e. Sinusukat lang kung gaano nyo kamahal ang isa¡¯t isa. Kung nahihirapan kana, isipin mo na lang na blessing in disguised ito. At etong mga pagsubok na to ang mas lalong magpapatibay sa inyo. Na sa mgadadating pa na pagsubok, madali nyo na lang malalagpasan ito na hindi sinusukuan ang bawat isa. Sa ganyang paraan, magtatagal kayong dalawa.






Ilan lamang yan sa mga naisip kong mga paraan para magtagal ang isang relasyon. Kung mahal nyo talaga ang isa¡¯t isa, walang makakasira, makakapaghiwalay sa inyong dalawa. Gagawa at gagawa kayo ng paraan para hindi maghiwalay. Lulunukin ang pride. Iintindihin ang bawat isa. Yan ang konsepto ng pag-ibig. Hindi lang sarili mo ang dapat isipin mo. Kasi, dapat isipin mo ang kapakanan ng taong mahal mo. Matuto kang bumalanse ng mga bagay. ;)

Linggo, Hulyo 28, 2013

KAIBIGANG WALANG IWANAN

Kwento ito ng isang tao na mapusok,makulit,hindi palakaibigan at hindi marunong sumunod sa payo ng iba .. taon ng 2012 may isang lalakeng itatago ko sa pangalan na Mr.S wala siyang magawa kaya habang naghahanap siya ng libangan nakita nya ang isang site na mga chatroom..
etong si Mr.S nagtaka kung bakit at ano iyon pinasok niya
unang pasok palang niya talaga sa lugar na iyon nagustuhan nya na
sabi niya '' OK dito ahh" Habang tumatagal dumadami ang kakilala niya at nag eenjoy siya sa chatroom na iyon hindi niya alam sa sarili niya kung bakit ayaw nya na umalis ..
UMAGA . TANGHALI o MAPAGABI naka online siya doon
hanggan may dalawang lalakeng naging ka close niya ang pangalan ay
Raymond at Elvin una pa lang hindi na sila gaano magkasundo syempre bago pa lang pero nung nag simula na nilang masakyan ang trip ng bawat isa naging magkakaibigan na sila habang tumatagal may mga pagsubok din na dumaan sa kanila at may dumating na isang lalake na itatago ko na lang sa pangalang Doy .. madami ang pagsubok minsan nagkakagalit sila pero nagbabati din .. alam ni Mr.S na hindi ganon kadali makisama sa mga hindi pa nakikita ..pero para sa kanya masaya siya sa mga taong nakilala niya
at lalo sa apat na kaibigan nya na iyon .. hindi tumagal nagkaroon ng isang pagkakalayo ang kanilang kabigan sa kaibigan ng iba pero silang apat kahit anung mangyari nanjan pa din .. KAPIT LANG kumbaga .. Tinuring na ni Mr.S ang samahang iyon na matibay .. at iyong tatlo na iyon tinuring nya na mga kapatid .. kahit alam nya na hindi nya pa kaya mag bago pero kahit papano tanggap siya ng mga tinuring nya na kapatid na iyon ..
minsan nagkakasama sama sila at nagiging masaya sila kaya sabi ni Mr.S sa sarili nya eto ang kaibigang tunay ko na hinahanap kahit may bagyo man o unos hindi kami nawawala sa isat isa ..kaya nga tuwing naririnig nya yung kantang walang iwanan ng 6cyclemind naalala nya ang mga panahong nagkakilakilala sila at tumatag ng mga taon na din ..
alam nyang maiksi pa iyon para sa pagkakaibigang tunay pero para sa kanya un ang pinakamahahalagang araw buwan at taon ng buhay nya pag usapang KAIBIGAN na ang tutukuyin ..


Biyernes, Hulyo 26, 2013

Kalbaryo ng mga Misis

Sadya nga bang nagtatapos na lamang ang lahat ng pagpapatunay ng pagmamahal o pagiging seryoso ng isang lalaki sa babae kapag naisakatuparan na nila ang kanilang pag-iisang dibdib? “Pinakasalan na kita! Ano pa ba ang gusto mo?” “Dala-dala mo na ang apelyidog ko, kung kaya’t makuntento ka na roon!” “Ano pa bang hinahanap mo na kulang? Ayan at nakatali na ako sa iyo! Nagsisintir ka pa riyan; pasalamat ka at pinakasalan na kita!” Ilan lamang iyan sa mga bukambibig ng magagaling nating mga asawa! Ilan sa mga simpleng kuwento ko na lamang na ilalahad ay kung saan inihayag 
ng mga Misis na hindi naging matagumpay ang buhay may- 
asawa. Si Helena na mahigit sampung taon nang kasal sa kanyang asawa ay animo’y binalot na ng semento ang puso sa pagiging bato o manhid sa bawat kalapastangan na sinapit sa asawa. Pang-anim na beses nang nagkaroon ng kalantari at kinakasamang babae ang asawang nagbabarko at ilan na ang naging anak nito sa mga iyon. Katuwiran ng asawa ay buong-buo raw ang allotment na napupunta sa kanya at sa kanilang dalawang anak kaya makuntento na siya. “Makuntento ka na at ikaw ang legal na asawa ko, sa iyo pa rin direktang nakapangalan 
ang allotment ko at ikaw ang pangunahing beneficiary ko sa 
mga insurances ko!” pagmamalaking saad pa ng kanyang asawa. “Hindi ko kailangan ang mga pera mo. Respeto at nag- iisang ako lamang sana sa buhay mo ang hinihiling ko!” pagmamakaawa ni Helena. “Hindi ko iyon magagawa, kusang lumalapit ang mga babae sa akin! Tao lamang ako na madalas nangungulila dahil malayo ako parati sa iyo dahil sa trabaho ko!” pangangatwiran ng kanyang asawa. Hindi niya maiwan ang asawa sapagka’t alam niyang hindi niya mabibigyan ng maalwan na buhay ang mga anak at hindi siya nakasisigurong maisasama niya ang anak sa kanyang binabalak na pag- iwan sa asawa. Nilulunok na lamang ang mga kahihiyan, pinipigil ang mga luhang kusang dumadalislis sa kanyang nagsisimula nang mangulubot na pisngi na dala ng konsumisyon. Sumunod na dumanas ng kalbaryo ay si Jasmine. Sa loob ng labinlimang taon na pagtitiyaga at pagtitiis sa asawa ay napagtagumpayan niyang makipaghiwalay na ng 
tatlong taon kasama ang tatlong anak. Sa unang apat na taon ng kanilang pagsasama, ang asawa ay hindi kahit kailan nagkaroon ng sariling hanapbuhay. Si Jasmine naman ay sunod-sunod na taon na nabuntis at sa huling anak ay nagdesisyon ang kanyang biyenan na siyang bumubuhay sa kanila na ipatali na siya upang hindi na mabuntis pa. Lahat ng kanilang gastusin, maliit man hanggang sa malaking halaga ay nagmumula sa bulsa ng kanyang mga biyenan kung kaya’t kahit mahirap ang pakikisama, lahat ay sinusunod na lamang niya para walang gulo. Ang asawa ay pinalaking laging nakakabit sa saya ng kanyang ina at pinalaking laki sa layaw, barkada, inom, droga at babae. Lahat ay hinahayaan lamang ng kunsitidorang biyenan. Patuloy sa mga ganoon na gawain ang asawa at laging sinasaway ni Jasmine. “Tumigil ka, Jasmine! Hindi porke’t kasal tayo ay puwede mo na akong bawalan! Ang nanay ko nga mismo hinahayaan at balewala lamang sa kanya! Kaya ikaw huwag kang pakialamera!” pasigaw pang sagot ng asawa niya. Sumubok magtrabaho ni Jasmine at tinutulan iyon ng biyenan, ngunit walang nagawa kaya naman lagi na siyang pinag-iinitan nito. Kaunting pagkaantala sa pag- uwi ay susulsulan ang anak nito na baka may lalaki, kaya naman ganun na lamang ang ginagawang pananampal o pananakit ng asawa sa kanya upang siya ay umamin, nguni’t siya ay tanging trabaho lamang lahat ng oras. Ilang beses niyang naabutan ang asawa na harap-harapan na may mauulinigan na katawagan na babae at magkikita kung saan upang magparaos. Kaya naging wais si Jasmine, lahat ng sobrang kinikita ay itinatabi. At pinagpaplanuhan ang pag-alis balang araw kung 
makaipon na ng malaki-laki. Labinlimang taon na lahat ay sa poder ng asawa ang mga mahahalagang gastusin, ngunit minsan ay pinag-iinitan ang kanyang kinikita ng asawa upang maipandroga, ngunit sinasabi ni Jasmine na kaya siya nagtatrabaho ay para sa mga pangangailangan ng sariling magulang sapagka’t nag-iisang anak lamang. “Magtrabaho ka naman, Aaron! Hindi ka ba nahihiya sa Mama mo? Mas maganda iyong may mapupundar tayong sarili natin at bubukod tayo!” minsan kong pagpupursigeng payo sa asawa ko upang maging Padre 
De Pamilya. “Kung ikaw gusto mo, umalis ka na rito at iwanan mo mga bata, satsat ka nang satsat; akala mo naman ay napakalaki ng kinikita mo! Huwag mo akong pinakikialamanan at masuwerte ka pa rin, dahil pinakasalan kita at may maalwan kayong buhay mag- iina dahil sa magulang ko! Letse! Buwisit ka talaga! Sinisira mo araw ko, mamaya baka matalo ako sa sugalan!” bulyaw at sabay bato ng mahawakan na gamit sa akin. Kaya sa wakas, nang nakapag-ipon ng sapat ay kumawala na ako sa poder ng mga biyenan at malalaki na rin ang mga anak na mismong sila ay hindi na sang-ayon sa pananatili ng kanilang ina sa poder ng ama. Madalas ay malupit din ang ginagawang pagpaparusa ng asawang si Aaron sa mga anak sa simpleng pagkakamali 
ng mga ito . Sa susunod na kuwento naman, ang kalbaryo ni Claire sa asawang si Jonathan. Si Claire at Jonathan ay anim na taon nang kasal, may isang anak at parehas na may trabaho. Mabilis ang naging daloy ng pangyayari sa kanila. Nagkakilala sa isang business conference, nagkita nang ilang beses at sumunod ay itinakda ang kasal. Parehas nang may edad, ang lalaki ay tatlumpu’t walo at ang babae ay tatlumpu’t lima. Si Jonathan ay may dalawang anak sa pagkabinata at nasa pangangalaga ng sariling ina. Nagkaroon ng kinakasama noong kasisimula pa lamang magtrabaho pagkatapos ng pagtatapos sa kolehiyo. Ngunit hindi nagtagal ang relasyon, tatlong taon lamang ang itinagal, pagkapanganak sa ikalawang anak ay iniwan na lamang si Jonathan pati ang 
mga bata at labintatlong taon nang hindi nagparamdam. Nagkikita na lamang sina Claire at Jonathan kapag matutulog na sa sobrang pagsubsob ng lalaki sa kanyang trabaho. Makalipas lamang ng ilang buwan na matapos ang kanilang pulo’t gata ay umaakto lamang si Jonathan na siyang tagapag-bigay ng mga pangangailangan sa lahat ng bagay. Oo, walang mairereklamo si Claire sapagka’t lahat ng pinansiyal na pangangailangan ay nasosolusyunan. Magarbong tahanan, mamahaling mga kasangkapan at kagamitan. Iba’t ibang luho ay kayang ibigay sa kanya. Hindi rin babaero o mabisyo ang asawa, wala nang hihilingin pa! Hindi niya halos kilala ang asawa, lagi itong may mga business trips. Kung sa mga okasyon ay nandiyan nga, nguni’t hindi sila nagkakasarilinang madalas. Ngunit hindi mawari ni Claire kung ano pa ang kanyang hinahanap. Hindi niya maramdaman ang kasiyahan kahit sa maalwan na sitwasyon ng buhay na mayroon siya. Mula sa tatlong sitwasyon ng ating mga Misis, iba’t ibang sinapit mula sa mga lalaking sumumpa ng dalisay na pagmamahal sa kanilang mga asawa. Nguni’t sapat lamang ba na kaming babae ay tratuhin na lamang nang ganun? Kailangan namin higit sa lahat ang atensiyon ng aming mga kabiyak, maayos na pakikipagkomunikasyon at laging kakuwentuhan o napaghihingahan ng mga sama ng loob o nakababahagi sa mga masasayang pangyayari. Kailangan naming mga Misis, hindi lamang noong panahon ng panliligaw o unang taon ng pagsasama, ang pag-aaruga, pagbibigay panahon na mapakinggan sa mga nais o plano sa buhay. Lalong-lalo na pagbibigay importansya sa bawat emosyon na mayroon kami. Kinakailangan namin ang lubos na seguridad mula sa mga bisig ng Padre de Pamilya na kami ay mapangalagaan at hindi iyong gawing praktisan ng mga kamao kung mapagbubuntunan ng initng ulo. Kinakailangan namin ng katiyakan sa pagkakaroon ng matiwasay, maalwan na buhay at matagal na pagsasama. Kaming mga babae, kung maaalayan lamang ng dalisay na pagmamahal, mataas na respeto at pagpapahalaga ay kaya naming tumbasan nang triple-triple ang mga tinatanggap. Sadyang mahirap ang buhay may-asawa, nandiyan na lahat 
ng dadanasin na pasakit o pagsubok, nguni’t kung ang parehas na magkabiyak ang mahigpit na kumakapit sa isa’t isa nang may iisang adhikain, walang bagay na hindi pagkakasunduan. Kung mamumuhay sila na nasa sentro ng kanilang pag- iibigan ang Diyos, lagi silang nasa maayos na landas tungo sa mapayapang buhay mag- asawa.

KARAPATAN

Lahat ng tao ay may kalayaan magmahal. Kalayaan na mamili. Kalayaan na mamuhay ng sarili niya. Kung sa english nga ay.. FREEDOM.

Pero hindi bat nakakatakot na sasabihin mong ginamit mo lang ang sarili mong kalayaan para mahalin ang isang tao?

Pero pano kung ang taong minahal mo ay may kalayaan at karapatan din mag desisyon na hindi ka rin niyang pwedeng mahalin.

May magagawa ka ba?

Kaya laging tandaan. May karapatan man tayo sa ginagawa natin. Laging isipin na may karapatan din yung taong pinagpaparamdaman.

TrueLOVE (Sad Story :(

nagising nalang ako isang 
umaga, 
naramdaman ko 
parang may kulang. 
kumain ako ng almusal, 
nakausap ko na 
as i am reading this thing… 
di ko 
namalayan napatulo na pala 
luha 
ko…nkakakilabot… 
lahat ng 
tao sa bahay, pero bakit 
ganito parang ang bigat ng 
pakiramdam 
ko. 
pumasok ako sa trabaho 
nagiisip 
parin.. muntik na nga akong 
matisod sa 
kakaisip 
lang nito. tinanong 
nako 
ng mga katrabaho ko, ano 
bang meron 
sakin bakit 
ang tamlay ko. sabi ko 
hindi ko alam, di ko 
maintindihan.

alam mo ba 
yung pakiramdam na 
parang 
may malaking butas sa 
sarili mo, 
tipong merong 
kilangang makapuno? yun 
ang naramdaman ko nung 
araw na yun, 
gusto ko 
na ngang sumigaw, 
magwala, 
malay ko ba kung ano lang 
ito.. pero 
hindi ko 
ginawa, hindi naman dapat 
eh. 
mga bandang tanghali 
pagkatapos ng 
tanghalian, 
tumawag siya, lam mo na 
siya, yung lalaking minahal 
ko buong 
buhay ko 
pero iniwan ako para sa 
ibang tao, wala lang 
nangamusta lang 
labas daw 
kami pagkatapos ng 
trabaho, nagisip ako ng 

mabuti, kung 
papayag ako 
o hindi, naisip ko ano 
ba 
namang masama, nasa 
malayo naman 
nagtatrabaho ang girlfriend 
niya, 
parang 
malalaman diba? 
natapos ang araw sobrang 
excited ako, 
sinundo 
niya ako sa trabaho, 
kumain kami, nagusap, 
binalik ang 
nakaraan, sabi 
ko nalang wag nang 
pagusapan may buhay na 
siya, masaya 
narin ako 
sa buhay ko, kaibigan 
nalang 
maibibigay ko, ang drama 
pa nga sabi 
niya mahal 
pa daw niya ako.. 
kumpara 
bako sa bago, mas mabait 
daw ako, mas 
maintindihin, mas 
understanding, 
sabi ko nga aba eh bakit 
mo sakin 
sinasabi yan, 
ano ito bolahan, natawa 
lang siya kahit hindi 
nakakatawa, 
nainis nga ako di 
ko nalang pinakita, 
pero kahit na nag usap 
kami nandun 
parin yung 
malaking butas 
nararamdaman ko parin, 
hanggang sa 
naisip ko 
baka kulang lang ako ng 
pagtawag 
sa 
kanya, pero hindi naman 
kse madalas ako 
tumatawag sa kanya, 
siguro 
naman kilala niyo na kung 
sino yun. 
naglalakad na kami pauwi, 
papunta sa auto niya, 
nakalimutan ko kahit 
sandali ang kulang na 
nararamdaman. 
napatawa 
pako sa mga biro niya, 
napalo ko pa nga sa 
kakatawa. biglang 
nagring 
ang cellphone ko, kapatid 
niya 
umiiyak, sabi ko bakit siya 
umiiyak? 
kasama ko 
kuya mo, pauwi na kami. 
bigla siyang natahimik, 
tinanong ko 
bakit, at dahan 
dahan niyang 
sinabi.. 
”pano nangyari yun eh si 
kuya 
nadisgrasya, na 
total wreack sasakyan 
niya.. ate patay na siya” 
nabigla ako, hindi ko 
maintindihan 
pano nangyari 
na patay na siya eh 
kasama ko pa, pag harap 
ko sa likod 
ko.. nandun 
parin sya, ganun parin 
suot niya pero duguan na.. 
napaluha 
ako, ngumiti 
lang sya at sinabi 
na.. 
”naramdaman mo na ba 
yung pakiramdam 
na 
parang may kulang hindi mo 
maintindihan kung bakit?” 
napa 0o nalang ako habang 
patuloy na 
lumuluha.. 
”papunta ako sayo 
ngayon, dahil gusto 
kong 
sabihin na ikaw pala yun, 
yung kulang sa buhay ko.. 
gusto ko na 
sana 
pakasal tayo.. pero diba 
sabi 
ko naman sayo kahit anong 
mangyari 
gusto ko 
bago ako mamatay ikaw ang 
nasa tabi ko/” 
tapos bigla nalang siyang 
nawala.. 
bumigat lalo 
pakiramdam ko,napaupo 
ako sa lapag, wala nalang 
akong nagawa 
kung 
hindi umiyak.. bakit kung 
kailan lahat ng sinabi niya 
tama sa 
pandinig ko, 
hangin nalang ang 
lahat 
ng ito..

ang sarap ng feeling pag mahal ka din ng mahal mo

Bakit kaya kapag sa relationship, e, kapag nagsimula, parang gusto n’yo na umabot sa pag-aasawa? ‘Di ba? Parang kayo na talaga forever. Hindi n’yo man lang inisip kung magbre-break pa kayo o hindi. Pero hindi naman lahat ng nagmamahalan ganito, ‘di ba? Minsan nga, gusto lang nilang magkaroon ng kasintahan para may maipagmayabang . . . then break-up na after a few months. Yung iba naman, gustong magkaroon ng kasintahan dahil kulang daw sa inspirasyon. Ilan na lang yung mga magkasintahang talagang nagsumpaan na sa mga magulang. Parang sure na sila na sila talaga ang magkakatuluyan. Kapag sa relationship kasi, hindi importante ang mga ganyan-ganyan. Ang importante, mahal ninyo ang isa’t isa. At yun ang magpapatibay ng relasyon ninyong dalawa. Hindi ba’t ang sarap isipin na yung mahal mo, e, minamahal ka din? Hindi yung laro-laro lang? Yung as in, sweet talaga siya sa ‘yo, hindi ka na niya iiwan. “I love you” every day, parang end of the world na bukas. Girls: Have you ever felt na kapag nagkikita kayo ng boyfriend niyo parang sumasabog yung mga damdamin ninyo sa sobrang kilig? Pero hindi yung kalandian ha. Basta kapag nagkikita kayo, you always feel very happy or even say, “May nagmamahal pala sa akin ng ganito. At boyfriend ko yun.” Boys: Kapag magkaharap kayo ng girlfriend niyo, have you ever felt confident na yung girl sa harap niyo ay napasakamay niyo? Tapos tatanungin mo pa sarili mo, “Nangyayari ba ‘to?” Kasi kapag niligawan mo siya ng todo-todo, tapos sinagot ka na niya finally, hindi ba’t ang saya? Or even said to yourself, “Girlfriend ko ‘yan. Pinaghirapan ko ‘yan.” Wow. Parang first time ‘to mangyayari ha. That only shows na loyal talaga kayong dalawa sa isa’t isa. Pero huwag mag-alala yung mga brokenhearted, kasi darating din ang araw na mararamdaman mo din yung mga nararamdaman nila. Hindi lahat ng mga brokenhearted bigo sa pag-ibig, talagang darating at darating ‘yan. Kailangan mo nga lang hanapin (for the boys) at maghintay (for the girls). Kasi yan ang essense nun e. Namention ko pa nga kanina yung sinabi nung boy, “Girlfriend ko ‘yan. Pinaghirapan ko yan.” Kasi hindi madaling bitawan ang babaeng pinaghirapan. Imaginin mo nalang kung gaano kasakit ang mga nararamdaman nila after the break-up. At hindi madali yun, kaya dapat intindihin. Hindi binabalewala. Minsan talaga kapag sa love, ang daming problemang dumarating . . . And of course, minsan hindi na kinakaya. Most commonly promblem nila, sa pagkakaalam ko, yung may kathird party. Ay, ano bayan. Hindi ba sapat yung binibigay na pagmamahal ng kasintahan mo at nagthithird party ka? Hindi puwede yun. Kung lalake yan, ay naku, sakiiiiiiit! Kung babae, selos. Isa pa diyan yung hindi pagkakaunawaan. Kailangan lang diyan, unawain n’yo ang isa’t isa. That’s the key into a happy relationship. O ‘di ba? Basta magtutulungan kayong dalawa para maresolba ang inyong mga problema. Then you can live into your happy ending na! Just stay loyal and . . . Don’t let something take your relationship down!

kaming mga lalaki

Hindi lahat babaero.
Hindi lahat paasa.
Hindi lahat pa-fall.
Hindi lahat mang-iiwan.
Hindi lahat malandi.
Hindi lahat ay hindi nagseseryoso.
Hindi lahat makitid ang utak.
HINDI LAHAT NANG LALAKE KATULAD NANG NANAKIT SAYO.
Meron paring mga lalake na marunong nagmamahal nang totoo. May mga lalaki pa din na worth it mahalin nang sobra-sobra. Mga lalakeng worth it sa pag mamahal mo. Meron dyang tamang lalaki para sayo.
Lesson: Hindi porket sinaktan ka ng past mo e sasaktan ka rin ng future mo.

Matatawag ko itong : FLiRTATiONSHiP

Being dumped, taken for granted and hurt by the one they love is the reason why many people choose to flirt than to be in a relationship. -x- 


Sinong gusto ipagtabuyan palayo? Wala. Kaya hindi mo masisisi ang ibang tao kung mas pinipili na lang nila ang makipaglandian na lang kaysa hanapin ang tao na kukumpleto sa buhay niya. -saythat-



Masakit ang mabalewala, lalo na kung masyado mo itong mahal at ngayon mo lang naranasan ang ganitong sitwasyon. -scene-



Laro tayo, landi-landian, ang unang ma-fall, talo.-pmpl-

*. Wag mo landiin, kung wala kang planong saluhin. -punish-

Ang hirap kasi sa ibang tao, inuuna pa ang tawag ng kilig kaysa alamin kung totoo na ang nararamdaman. -rofl- Nakakapag-alangan tuloy kung dapat mo sabihin o hindi ang gusto mo sabihin sa kanya dahil nasa lugar kayo na bawal ma-fall sa isa¡t-isa. -lol- 



Mahirap makipaglandian lalo nat may damdamin ang sangkot sa usapan. -nicker-
 

Para sa mga lalaki

May mga lalaking magaling lang kapag nanliligaw. -x-Yung todo pagoodshot ba? Hatid-sundo lagi,todo kung mag effort, tinalo pa yung asukal sa ka-sweetan. 



Pero pag sinagot mo na? Nganga na. Unti unti ng naglalaho yung effort , kasweetan at kung anu-ano pa. Mali e. Diba nga dapat pag sinagot ka na nung nililigawan mo MAS pa dapat yung iparamdam mo sa kanya? 



Mas sweet, mas maalaga, mas effort. Diba? Hindi yung makakampante ka na kasi kayo na e. Kasi um-oo na sayo. 


Boys, kung sinagot na kayo ng mahal niyo, iparamdam niyo sa kanila na tama yung decision na napili nila. Na hindi nila pagsisisihan yung pagsagot nila sa inyo. -ok-



PANiNDiGAN NiYO YUNG PAGiGiNG BOYFRiEND NiYO. :QHindi yung makakapante ka kasi sayo na siya. 



Tandaan niyo na naman na hindi lang basta basta yung pangliligaw at pagpasok niyo sa isang relationship. 



May commitment dyan na dapat niyong tuparin kasi sa punto pa lang na niligawan niyo na yung babae, committed na kayo agad sa kanya. :P 

How to keep a girl forever?

How to keep a girl forever. -xexe- 
Treat her like she¡¯s the only girl you know in your life. I know she¡¯s not your first love but try to act that she is your first and last love. -wub- 


A girl demands a lot, cry a lot and get jealous easily. Tell her that you really love her and you will never cheat on her, even if she gets ugly, you wouldn¡¯t. :S 


Tell her that your heart always beat fast whenever you see her, tell her that you can imagine a future with her, her as a wife and you, of course, as her husband. -love2- 


When she¡¯s jealous to a friend of yours, tell her that, that friend of yours is just a friend. When she¡¯s mad at you, hug her. You know tight hugs that will make her squirm in your chest. -huglove- 


When she¡¯s crying, tell her that every thing will be fine, tell her that you won¡¯t ever leave her, tell her that she can cry at your shoulder and use your shirt to wipe her tears away. -hug- 

One thing a girl wants is a gentleman. Carry her heavy bags, open doors for her, remember this ¡°ladies, first!", sing a song for her even if your voice is not that nice to hear, write her poems even if you¡¯re not good at it, you can even try draw a portrait of her and both of you can laugh about it when you¡¯re done, treat her like a princess or a small porcelain doll in your bare hands. -blush2- 


You know what, even if you don¡¯t do this gentlemanly things on her, she will still love you and won¡¯t leave you but it won¡¯t hurt a bit when you act like a gentleman for a day, right? -blush- 


The don¡¯ts. -bawal- 

Don¡¯t treat her like any other girls when you¡¯re around with your dear, dear friends. Don¡¯t make her cry and jealous. Don¡¯t go messing around with her head and moods. Don¡¯t change her, please? -nicker-